Wednesday, January 20, 2010

Trabaho mo, Trabaho Nating Lahat (Employment Issue)

EMPLEYADO- ITO ANG TAWAG SA ISANG TAONG NAGBIBIGAY NG SERBISYO SA ILALIM NG ISANG KONTRATA O KASUNDUAN…

KARAMIHAN SA MGA ITO NAGTATRABAHO LAMANG NG HINDI ALAM KUNG MAYROON NGA BA SILANG KARAPATAN AT HINDI LANG BASTA-BASTA INUUTUSAN…

SA KABILA NG PAPURING NATATANGGAP NG MGA PILIPINONG NAGTATRABAHO ABROAD, KARAMIHAN PA RIN SA KANILA HUMAHARAP SA MATINDING PAGDURUSA, PISIKAL MAN O EMOSYUNAL…



SA MAHIGIT SIYAMNAPUNG MILYONG POPULASYON NG BANSA, MAHIGIT ISANG MILYON RITO ANG NAGPUPUNTA ABROAD TAON-TAON. SA NGAYON, TINATAYANG AABOT SA 11 MILYONG PINOY ANG NAGTITIIS SA IBANG BANSA, MABIGYAN LANG NG MAGANDANG BUHAY ANG NAIWANG PAMILYA…

NGUNIT ANG IBA, NAGTITIIS SA MALIIT NA KITA MULA SA MGA PROYEKTO NG GOBYERNO, MAITAWID LANG ANG BUONG ARAW NA PAGKALAM NG SIKMURA…

HINAING PA NG KARAMIHAN, GASTUSAN MAN ANG KANILANG PAG-AARAL, WALA NAMANG SAPAT NA TRABAHONG PAPASUKAN, KAYA’T ANG PAGOD AT HIRAP NA NARANASAN, MABABALEWALA RIN LANG…




MAY AASAHAN PA KAYA TAYONG MARAMDAMAN ANG PAG-UNLAD?

ITO ANG ATING AGENDA, MAY MAGAGAWA TAYO!

No comments:

Post a Comment