Wednesday, January 20, 2010

TAHANANG WALANG MASILUNGAN (Housing Issue)

BILANG ISANG TROPICAL COUNTRY, MAITUTURING NA ISANG MAGANDANG LUGAR PARA TIRHAN ANG PILIPINAS…
NGUNIT SA KABILA NITO, MADALAS RING DAANAN NG KALAMIDAD ANG BANSA...

PINAKAHULI RITO ANG PAGGUHO NG LUPA SA ILANG BAHAGI NG CORDILLERA NA KUMITIL SA DAAN-DAANG INOSENTENG BUHAY...
SA HALOS ISANG DAANG MILYONG POPULASYON SA BANSA, MILYON-MILYON RIN ANG WALANG MATINONG TIRAHAN...

MAY ILANG NAKATIRA LAMANG SA SILONG NG TULAY… ANG IBA NAMAN SA MGA PELIGROSONG LUGAR NANINIRAHAN, MAY MASILUNGAN LANG TUWING UMUULAN AT MAY PANLABAN SA MATINDING SIKAT NG ARAW…

ANG MASAKLAP PA RITO, MAYROON MAN SILANG TIRAHAN,
TILA KINALIMUTAN NAMAN SILA NG PAG-UNLAD… ANG ILAN, NAMAN DAHIL SA KAGUSTUHAN MABAGO NG INDUSTRIYALISASYON ANG LUGAR, ISINASANTABI ANG KAPAKANAN NG MGA TAO..

ITO ANG ATING AGENDA. MAY MAGAGAWA TAYO!

No comments:

Post a Comment