Tuesday, December 8, 2009

Kalusugan ay Kayamanan (Health & Sanitation)

Health Issues:
Tila isang bangungot ang mawalan ng isa sa mga kaanak. Lalo na kung dahil ito sa kakulangan ng atensyong pangkalusugan.Sa panganganak pa lamang ng isang ina, nakataya na ang kanyang buhay, maging ang buhay ng kanyang anak.

May mga pagkakataon pang maswerte mang maisilang, ngunit sa pagtanda nito, sakit sa pag-iisip ang umuusbong na nangangailangan ng sapat na atensyon..

Maaari pa sanang malunasan ang mga sakit na nararanasan, kung sapat at abot kaya ang mga gamot na kanilang kailangan. Ang mga nakakatakot at nakakalungkot na katotohanan, laganap sa ating lipunan.

Maging sanitasyon na malaking banta sa kalusugan, naiiwang nakatiwangwang. Mga simpleng bagay kung ituring... kung napabayaang maaaring magdulot ng sakit na tiyak na ikapapahamak natin...


MGA KAPUSO, IMULAT NATIN ANG ATING MGA MATA! ITO ANG ATING AGENDA…